Dapat ba talagang magtrabaho ang mga Senior High School?
Ang paksang ito ang tungkol sa pagtrabaho ng isang Senior High School na mag-aaral.mahalaga itong pagusapan sapagkat may ibang studyante sa senior highschool ay walang pera at trabaho. dapat ng magtrabaho ang mga senior high school para meron silang pinansyal sa pagskwela hindi naman natin maikakaila na kailangan na magtrabaho dahil matanda na sila. ang senior high school ay dapat din tumulong sa pinansyal sa kanilang mga magulang sa gastusin lamang sa school.
Sa panayam ng "S.R.O." ng DZMM kay Cielo Sonza, Jobstreet country marketing manager, sinabi niyang karamihan pa rin kasi sa mga nakapaskil sa kanilang trabahong mayroong opening ay para sa mga nakapagtapos ng kolehiyo.
"Currently po, wala pa po kaming masyadong klarong view sa status po ng jobs to be made available to K-12 students by... the companies posting within Jobstreet," ani Sonza.
Dagdag ni Sonza, mayroon din namang mga trabaho sa industriya ng business process outsourcing (BPO) na bukas maging sa mga nakapagtapos lang ng high school.
Karaniwang ito ay mga trabahong entry-level o ibinibigay sa mga nagsisimula pa lang ng karera, gaya ng agents o telemarketers sa call center, merchandiser o salesperson, at posisyong clerical o administratibo.
Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), tila kulang pa ang 80 oras o dalawang linggo lang na minimum requirement para sa on-the-job training (OJT) ng unang batch ng K-12 students na magtatapos sa Marso.Sa ilalim ng K-12, pinahaba ang basic education system mula 10 taon hanggang sa 12 taon. Ang mga magtatapos ng senior high school ay edad 18 na at maaaring tumuloy ng kolehiyo o kaya naman ay maghanap na ng trabaho.
sa parte ko gusto kuna talagang magtrabaho para matulungan sa pinansyal ang aking mga magulang at matuto sa ibat ibang gawain basi sa trabaho ng mga malalaki para sakin dapat ng magtrabaho ang k-12 studyante pwede naman tayong magtrabaho habang mag aral ng mabuti may curriculum naman kahit manlang sa food industry ka magtrabaho
No comments:
Post a Comment